Biyernes, Marso 4, 2016

Balik Tanaw sa Edsa







Image result for balik tanaw sa edsa revolution


 Itininuturing ang EDSA Revolution na isa sa mga pinakamapayapang demonstrasyong politikal sa mundo na ginawa upang labanan ang diktaturayang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.Tumagal ng apat na araw mula Pebrero 22 hanggang 26 noong taong 1986 ang naturang rebolusyon.Isa sa mga itinuturong nagtulak sa mga pilipino na mag-alsa ang pagkakapaslang kay Ninoy Aquino sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.Matatandaang nahalal si Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas taong 1965 noong natalo niya sa eleksyon si Diosdado Macapagal, ang ama ng dating Pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo.Muli siyang nahalal bilang Pangulo ng Pilipinas taong 1969 laban kay Sergio Osmeña Jr.Sa pamumuno ni Marcos nasimulan ang mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansiyal na kasaganahan.


Nakakatuwa at nakakalungkot nga’t hanggang ngayon ay tinutularan pa rin ng ibang bansa partikular ng Ehipto, Tunisia at marahil sundan na rin ng Libya. Nakakatuwa dahil nagkakaisa ang mga kani-kanilang mamamayaman at nakakalungkot dahil hindi maiwasang may masaktan dahil sa pansariling interes ng iilan.
Ngayon natamo na natin ang Pagbabago, may mga bagay pa ring hindi pala lubusang napupuksa na s’yang nagiging ugat para mabuo ang isang rebolusyon -kurapsyon.
At hangga’t may nananatiling ugat sa hindi mapuksa-puksang kurapsyon sa bansa, mananatili ang pangarap ng EDSA para sa pagbabago.
Natuwa-tuwa ang tema ng selebrasyon ng EDSA ngayon taon, akmang-akma kasi sa aral ng EDSA. Na sa atin naman talaga kasi magsisimula ang pagbabago. Kung mananatili tayong tapat sa kapwa at magiging disiplinado, tayo rin naman ang makakatamo ng pagbabago.
Gaya ng trapiko sa EDSA kung magiging mapagbigay at disiplinado lang tayo, hindi man lubusang mawala ang trapiko mabawasan man lang ang piligro dito.




Image result for essay sa edsa

  Ang mapayapang rebolusyon sa EDSA ay nagsisilbing inspirasyon hanggang ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo na salat sa kalayaan at nararapat na karapatang pantao. Ito’y nakapagpapatatag ng loob na kailangan ipiglaban ang iyong layon kung ito’y nasa katwiran. Huwag mag-atubiling lumaban para sa kapakanan ng mga kababayan.
 Naukit sa aking damdamin ang pagmamahal para sa aking bayan matapos kong malaman ang isorya ng buhay ng pakikipagsapalaran ng dating Pangulong Cory Aquino at iba pang mga kawani na ipinaglaban ang demokrasyang ninanais ng bawat mamamayang Pilipino sa kamay ng mapang-aliping pinuno.


Mabuhay Ang Pilipino!

1 komento:

  1. Retrieved from: http://www.untvradio.com/18382-2/

    https://otep.wordpress.com/2011/02/page/2/

    TumugonBurahin