Lunes, Marso 7, 2016

Tutol kaba sa "SAME SEX MARRIAGE" ??




Ang pagpapakasal ng magkaparihong kasarian ay isang kasalan o kalapastangan sa diyos ang mga gawaing taliwas sa kanyang layunin lalo na kung ang kanyang sinimulan ay ating binago. Maraming mga taong tumututol sa “same sex marriage”  at marami din namang sumasangayon. Laganap   na ang pagdami ng mga bading, tomboy sa panaahon nating ito. Pero di naman natin masasabing salut sila sa lipunana sapagkat nakakatulong din sila sa ating bansa. Pero sa pagpapakasal nila sa kapwa nila babae o lalaki. Naaayon paba to sa mata ng tao? Sa mata ng batas? at lalo na sa mata ng diyos? Sa ibang bansa ay laganap na at naiatupad ang pagpapakasal ng magkapariho ng kasarian. Marami naman ang mga taong gustong ipatupad ito saating bansa. Kailangan bang ipatupad ito? Dahil sa naging ganap na ang batas ng same sex marriage sa iabg lugar umaaasa ang mga grupo ng “ Lesbians, Bisexuals, Gays, Transgender” na sa ating bansa din sana ay maipatupad na ito, anupat magbibigay daan ito sa kanila upang maigyan sila ng sapat na karapatan at pagtrato. Ngunit marami ang bumabatikos sa panukalang ito. Naniniwala sila na sa pagpapatupad nito ay isang kalapastanganan sa batas at simulain ng bibliya. Tinuturing ng simabang katoliko ang kasal na sagrado at banal na institusyon. Kung kaya’t dapat itong galangin at respetuhin bawat tao. Ayun sa simbahan ang kasal ay para lamang sa indibidwal na may magkaibang kasarian at hindi para sa magkaparihong kasarian. Hanggang sa ngayon, hindi pa nagpapatupad ang gobyerno ng batas na magtatakda na gawing legal na ang same sex marriage. Hindi pa raw mulat ang mga mamamayan tungkol sa mga epekto kung gagawing legal ang bagay na ito at pinuprotektahan ng gobyerno ang kultura nating mga Pilipino na pagkakonserbatibo at ang mga relihiyosong tao dahil ikinukonsidera na rin natin ang pagiging maka-Diyos bilang isa sa mga kultura natin hanggang sa ngayon.

Kung ako ang tatanungin hindi ako sang-ayon sa same sex marriage sa dahilang kung magkakaroon man ng karapatan ang mga tomboy at bading na pakasalan ang kapwa babae o lalaki maaari pa itong makasira sa isang pamilya. ang bawat pamilyang may ganitong sitwasyon at kawawa ang pamilyang naiwan ng mga ito.  Kaya hindi ako sang-ayon sa gusto ng mga tomboy at bading na gawing legal ang same sex marriage. Ikaw? Ano sa palagay mo ang tama? ang sumang ayon o tumutol na gawing legal ang “same sex marriage”??


 





 

Biyernes, Marso 4, 2016

Balik Tanaw sa Edsa







Image result for balik tanaw sa edsa revolution


 Itininuturing ang EDSA Revolution na isa sa mga pinakamapayapang demonstrasyong politikal sa mundo na ginawa upang labanan ang diktaturayang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.Tumagal ng apat na araw mula Pebrero 22 hanggang 26 noong taong 1986 ang naturang rebolusyon.Isa sa mga itinuturong nagtulak sa mga pilipino na mag-alsa ang pagkakapaslang kay Ninoy Aquino sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.Matatandaang nahalal si Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas taong 1965 noong natalo niya sa eleksyon si Diosdado Macapagal, ang ama ng dating Pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo.Muli siyang nahalal bilang Pangulo ng Pilipinas taong 1969 laban kay Sergio OsmeƱa Jr.Sa pamumuno ni Marcos nasimulan ang mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansiyal na kasaganahan.


Nakakatuwa at nakakalungkot nga’t hanggang ngayon ay tinutularan pa rin ng ibang bansa partikular ng Ehipto, Tunisia at marahil sundan na rin ng Libya. Nakakatuwa dahil nagkakaisa ang mga kani-kanilang mamamayaman at nakakalungkot dahil hindi maiwasang may masaktan dahil sa pansariling interes ng iilan.
Ngayon natamo na natin ang Pagbabago, may mga bagay pa ring hindi pala lubusang napupuksa na s’yang nagiging ugat para mabuo ang isang rebolusyon -kurapsyon.
At hangga’t may nananatiling ugat sa hindi mapuksa-puksang kurapsyon sa bansa, mananatili ang pangarap ng EDSA para sa pagbabago.
Natuwa-tuwa ang tema ng selebrasyon ng EDSA ngayon taon, akmang-akma kasi sa aral ng EDSA. Na sa atin naman talaga kasi magsisimula ang pagbabago. Kung mananatili tayong tapat sa kapwa at magiging disiplinado, tayo rin naman ang makakatamo ng pagbabago.
Gaya ng trapiko sa EDSA kung magiging mapagbigay at disiplinado lang tayo, hindi man lubusang mawala ang trapiko mabawasan man lang ang piligro dito.




Image result for essay sa edsa

  Ang mapayapang rebolusyon sa EDSA ay nagsisilbing inspirasyon hanggang ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo na salat sa kalayaan at nararapat na karapatang pantao. Ito’y nakapagpapatatag ng loob na kailangan ipiglaban ang iyong layon kung ito’y nasa katwiran. Huwag mag-atubiling lumaban para sa kapakanan ng mga kababayan.
 Naukit sa aking damdamin ang pagmamahal para sa aking bayan matapos kong malaman ang isorya ng buhay ng pakikipagsapalaran ng dating Pangulong Cory Aquino at iba pang mga kawani na ipinaglaban ang demokrasyang ninanais ng bawat mamamayang Pilipino sa kamay ng mapang-aliping pinuno.


Mabuhay Ang Pilipino!